Reverse Cowgirl

deep animosity by Anonymous | | Posted On Saturday, November 28, 2009 at 5:54 PM

Dear Cunt.

I've often wondered what my life would be like if you weren't in it. I don't mean if you were dead, but if you never existed at all.

As I start to imagine things, it always seemed to go like this: I am happy in the arms of a man that looked somewhat like Ryan Reynolds, and we're in a yacht sailing through the Caribbean. Then we go back to civilization and I introduce him to my friends and family and they like him, and the next day we go back to sailing the open seas. Happiness.

And then I snap back to reality and all I can think about is that if it were real life, the hunk of a man that was I was sailing with in my imagination, would be gone.

With you.

Doing the reverse cowgirl.

and that just ruins my day. Fuck You.

ibuka mo beybeh.

deep animosity by fitsmangofai | insigne | Posted On at 4:57 PM

Nagtataka ako kung bakit may mga tao na pinipiling manahimik na lang sa mga bagay na dapat pag-usapan at resolusyunan. Naisip ko na pwede kong ihalintulad ang isang lumang hidwaan ng pamilya sa expired na lata ng sardinas ... kung kailan ka nagutom at wala ng makain, saka mo naalalang meron, pero huli na, dahil ng binuksan mo ito, ay umaalingasaw na ang amoy at nabubulok na ang isda.

"Huwag ka sanang tamaan sa mga bagay na alam mong ginagampanan mo."
"Kung makapagsalita ka ay parang alam mo din ang lahat."
"Huwag mo sanang gamitin ang pangalan ng Diyos, para magmistulang mabulak-lak ang iyong mga pananalita."

Alam ko na nasaktan ka sa mga nasabi pero iyon ang totoo. hindi kailangan hintayin ang iba para magawan mo ng paraan ang isang bagay na nakalimutan mo ng ilang taon na ang nakakalipas, ngayon ay muling kang kinatok dahil may mga bagay na hindi na makakapag-antay pa. Sabihin mo man na hindi iyon ang ating tungkulin, sa palagay ko ay nagkakamali ka, dahil kung hindi nila kayang ayusin, sino ba naman tayo para hindi tumulong? lalo na kung pare-pareho nating gusto na maging maayos ang lahat.

OO IKAW![] BWISET.

deep animosity by B | insigne | Posted On at 1:29 PM

OO PARA SAYO TO. ikaw na tinuring kong kaibigan.
ikaw na para ko ng kapatid.
ikaw na walang pakundangan kung lumapastangan ng kapwa mo. OO IKAW NGA.
huwag ka ng lumingon sa likod.
huwag ka na rin magbalak magtuturo ng kung sino. idamay pa ang iba sa kagaguhan mo.
sana maranasan mo rin gawin sayo yung mga pangaalipusta mo na ginagawa mo sa kapwa mo.
di ka ba nahihiya? may mga nasasagasaan ka na makamit mo lang ang pansamantalang kasiyahan mo. sa mga niloloko at pinapaikot mo sa kamay mo? sa mga damdaming pinaglalaruan mo?
kinakaya ba yan ng konsensya mo? ang tibay naman ng sikmura mo.
ewan ko na lang kung ano mangyari sayo sa darating pang mga araw.
di naman ako manghuhula at lalong wala akong alam kung kakayanin mo pa magbago
pero sa susunod na gagawa ka ng kabullshitan mo sana lang maisip mo rin na "baka masaktan tong -kaibigan ko-" PWEH isa kang plemang gustong gusto ko idahak sa kaibuturan ng lalamunan ko para maidura palabas sa sistema ko.

pero malamang hindi dadaan sa isip mo yun. ikaw pa?!? sa tingin mo ata e isa kang supreme being na pinagpala ng ubod na kagwapuhan/kagandahan na lahat ng tao ay matutulala at mabibighani sayo. pinagpala ka rin ng dilang ubod ng tamis. na lahat ng sabihin mo e parang may kasamang tsokolate at kendi at kung ano ano pa at napapabilog mo ang isipan ng kausap mo para sundin ang gusto mo.

bilib rin ako sa kakayahan mong kumbinsihin ang iba na gawin ang nais mo. gusto kong pumalakpak sa bawat pagkakataon makakasalamuha kita at bigla kang gagawa ng mga ganung bagay na alam ko na dapat may gawin ako pero nagawa mo na. natapos na. wala na akong habol. gustuhin ko mang magmalinis iisipin naman ng iba na sinisiraan kita at ako pa ang lalabas na masama[] BWISIT.

baka magulat na lang ako at babalitaan mo pa ko sa mga updates mo about sa bagong naloko mo. sa mga "adventures" mo na proud na proud ka pang inilalahad sakin. OO NA IKAW NA ANG MAGALING ikaw na ang pinagpala hindot ka. napakautak mo rin. yung katalinuhan mo sa iba mo ginagamit. puro panlalamang at panloloko. PWEH daig mo pa ang parasite kung kumapit sa mga matatag tapos unti unti mo lang sinisira hanggang sa ikaw ang lumabas na mabuti PWEH. tinginingining naman at bakit kailangan mo mo pang ipangalandakan sa mukha ko ang kagaguhan mo. gusto mo ba palakpakan kita? gusto mo bang magbigay pugay pa ko sa ginawa mo? kailangan ko bang lumuhod sa harap mo at sambahin ka? GAGO mo. kung akala mo pangitingiti lang ako habang kausap kita at nagkukwento ka ng walang kakwenta kwenta ay masasabi mo ng bilib ako sayo? ipagkalat mo pa ungas.

may magagawa pa ba ako kung nabilog mo na isipan nila? ano pang laban ko kung sakaling ipagtanggol ko sila laban sayo kung sayo rin naman sila kakampi? papaniwalaan pa ba nila ako? sino ba ako? wala naman akong kakayahan kagaya mong bumilog ng isip at baguhin ang kanilang kilos o pagiisip kagaya mo.

lahat naman siguro ay may pag asang magbago. hanggat nabubuhay ka ay bibigyan ka naman ng maraming pagkakataon para dito. nasa sayo na yan kung nais mo pa makamit yun. hindi ka naman ata binabagabag ng konsensya mo gabi gabi bago ka matulog sa mga ginagawa mo sa iba. ganun lang talaga. sanay ka na e. goodluck na lang sa kaluluwa mong nililitson na habang buhay ka pa. teka mayron ka pa nun? sa tingin ko wala na e.

ingat ka na lang. baka sakaling mahanap mo katapat mo. hindi sa habambuhay ay puro nais mo ang masusunod. baka malay mo pinagbibigyan ka lang at biglaang mawawala lahat ng nasa harap mo at huli na para magsisi ka pa.