ibuka mo beybeh.
deep animosity by fitsmangofai | insigne #mgaissueko | Posted On Saturday, November 28, 2009 at 4:57 PM
Nagtataka ako kung bakit may mga tao na pinipiling manahimik na lang sa mga bagay na dapat pag-usapan at resolusyunan. Naisip ko na pwede kong ihalintulad ang isang lumang hidwaan ng pamilya sa expired na lata ng sardinas ... kung kailan ka nagutom at wala ng makain, saka mo naalalang meron, pero huli na, dahil ng binuksan mo ito, ay umaalingasaw na ang amoy at nabubulok na ang isda.
"Huwag ka sanang tamaan sa mga bagay na alam mong ginagampanan mo."
"Kung makapagsalita ka ay parang alam mo din ang lahat."
"Huwag mo sanang gamitin ang pangalan ng Diyos, para magmistulang mabulak-lak ang iyong mga pananalita."
Alam ko na nasaktan ka sa mga nasabi pero iyon ang totoo. hindi kailangan hintayin ang iba para magawan mo ng paraan ang isang bagay na nakalimutan mo ng ilang taon na ang nakakalipas, ngayon ay muling kang kinatok dahil may mga bagay na hindi na makakapag-antay pa. Sabihin mo man na hindi iyon ang ating tungkulin, sa palagay ko ay nagkakamali ka, dahil kung hindi nila kayang ayusin, sino ba naman tayo para hindi tumulong? lalo na kung pare-pareho nating gusto na maging maayos ang lahat.

Post a Comment