Injanerang Pakshet
deep animosity by bloodytom | insigne insomnia | Posted On Wednesday, December 16, 2009 at 4:30 PM
Walanghiya ka! Pinaasa mo ako na sisiputin mo ako, tapos nung andun na ko sa meeting place natin biglang hindi ka na magpaparamdam. Anong klase ka? Anak ng tupa naman ang pakshet na to. Nung una ikaw ang gustong gustong makipag meet saken tapos ngayong pumayag ako maglaan ng oras para sayo (at somehow para na ren saken) e eto ka hindi mo ko sisiputin. Pakshet ka gagu! Kung hindi lang kita kelangan sa buhay ko hindi na kita hahayaang bumalik. Tapos kung kelang nasa trabaho ako tsaka mo naman ako iistorbohin ng todo-todo. E pano kung matanggal ako sa trabaho? E di tayong dalawa na naman ang magkasama ng maghapon at magdamag? Ganun ba gusto mo? Kase ako, ayoko nun e. Oo, nakakatulong ka ren saken pero bigyan mo ako ng space pag ganun. Pumunta ka lang saken pag kelangan kita. Pasensya pero ganyan talaga ang lagay ng mga nakikipagrelasyon sa akin, one sided lang lagi. Kung di kita kelangan, tumabi ka. Kung kelangan kita tsaka ka lang umextra sa eksena. E eto badtrip na ako sayo, pota ka kase pang-gago ka e. Jan ka na nga, kelangan ko na magtrabaho. Bwiset!
Antok po ang kausap ko sa sulat na ito. Para lang malinaw.
Antok po ang kausap ko sa sulat na ito. Para lang malinaw.

Post a Comment